minsan nga naman masayang sakyan ang inconsistencies ng buhay. may mga bagay tayong pinipilit gustuhin, may mga bagay na pilit nating hinahanap pero nakakatuwa na may mga bagay na gusto pa din natin ng ganun na lang.
minsan gusto nating magmadali, at pag mabilis ang takbo ng buhay, gusto naman nating patigilin.
minsan, mas maayos daw na planuhin ang mga bagay bago natin ito gawin pero kahit gaano mo man katagal paghandaan ang isang bagay, may mga bagay pa din na sadyang lilitaw na pwedeng ikasira o lalong ikabubuti ng iyong mga plano.
minsan bata lang tayo. nasabi mo na siguro na gusto mong maging manggagamot o guro.
minsan estudyante lang tayo na pilit gumagawa ng paraan upang makapagtapos.
minsan pagkatapos mong mag-aral, nasabi mo na siguro na kailangang maging ganito ako.
at dahil inconsistent ang buhay, minsan masaya ka na lang ng ganun na lang. na kung may magbabago man, minsan ayus lang.
No comments:
Post a Comment