Wednesday, January 16, 2008

stationary

pagkatapos ng dalawang araw na hindi pagpasok dahil nagkasakit ako, ngayon ko lang napahalagahan ang kinikita kong pera. naubos agad ang sinuweldo ko dahil sa ospital, check-up, gamot atbp.

salamat na din sa mga kaganapang ito dahi natapos na ang "emotional turmoil" na nararanasan ko - sa mas mababaw na salita...depresyon.

salamat kay paolo coelho na pakalat-kalat sa bahay. napagkamalan ko pa tuloy na self-help ang libro nya. ang labo, e di naman self-help yun.

bukas papasok na ako. at least medyo mas positibo na ako sa buhay ngayon. medyo hindi maganda ang pasok ng taon sa akin pero hindi naman siguro ito nangagahulugang pangit na ang buong taon para sa akin. ibabaon ko na ang nga hindi magandang nangyari sa mga nakaraang araw mamaya bago ako matulog. ang umasa ay hindi kapareho ng may pag-asa. pero may pag-asa.

eto na ang opisyal na pagbati ko sa inyo ng Happy New Year!

--sa lahat ng mga kaibigan kong nagtatrabaho, sana maging mas maganda ang taon na ito para sa trabaho nyo.

--sa ibang kaibigan ko na nawalan ng trabaho, naghahanap o nag-iisip pa lang ng gustong maging trabaho, makakahanap kayo ng para sa inyo.

--sa mga nawawalan ng pag-asa sa buhay, nalulungkot dahil parang walang pinatutunguhan ang ginagawa, konting pasensya lang at positibong pagharap sa buhay...isang araw ngingiti ka na lang at sasabihin mong masarap palang anihin ang pinaghirapan.

salamat sa lahat.

Happy New Year, medyo late nga lang na pagbati pero ngayon ko pa lang kasi sisimulan ang taon na kasama ang positibong disposiyon sa buhay.

No comments: